ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Babae, nag-amok sa Davao City; 3 katao patay, 2 sugatan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tatlo katao ang nasawi – kabilang ang isang paslit – nang magwala at nanaksak ang isang babae na sinasabing “tomboy" sa Davao City nitong Huwebes. Sa ulat ng dzBB-Davao radio, kinilala ang mga nasawi na sina Teodora Lilok, 74-anyos; Fidel Lilok, 75; at apo nilang si Christian Mark, 2. Sugatan naman sina Christine Campano at Kathleen Campano. Nadakip naman ang suspek na si Marivic Lilok, 22, na kamag-anak din ng mga biktima. Iniimbestigahan ng pulisya ang impormasyon na tomboy si Marivic at nagwala ito at nanaksak dahil sa galit nang nakipag-break ang kasintahan. Sinabi sa ulat na hindi ito ang unang paglalataon na nagwala ang suspek dahil sa usapin ng pag-ibig. Minsan na rin umano itong nagtakang magpakamatay. – FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular