GMA News Online
Ulat Filipino
»
Iloilo

5 estudyanteng babae, biglang nagwala sa gitna ng klase

September 27, 2012 9:44pm

Sa hindi pa malamang dahilan, limang mag-aaral ang biglang nagwala at nagsisigaw habang nasa gitna ng kanilang klase sa isang paaralan sa Antique.

Sa ulat ni GMA-Iloilo reporter Jocel Huesca sa GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabing nagkagulo ang mga guro at mag-aaral ng Sibalom Elementary School sa Antique noong Martes nang biglang magwala at magsisigaw ang limang mag-aaral na babae na nasa grade 6.

Dahil sa nangyari, kaagad na nagpatawag ng pari ang paaralan at mayroon ding mga nagdasal. Ilang minuto ang lumipas ay kumalma rin umano ang mga bata.



Kuwento ng isa sa mga batang nagwala, mayroon pa rin daw siyang nararamdaman sa kanilang silid-aralan.

“Meron pa rin akong nararamdaman na kakaiba sa lugar na iyon kanina. Parang nagpaparamdam pa rin sa akin," ayon sa mag-aaral na inilarawan ang kanyang “nakita" na kulay itim ang katawan.

Tumanggi naman muna ang pamunuan ng paaralan na magbigay ng pahayag kung “sanib" ang nangyaring insidente sa mga bata hanggat hindi pa natatapos ang kanilang imbestigasyon. - FRJ, GMA News
Go to comments




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus