GMA News Online
Ulat Filipino
»
Iloilo

1 patay, 2 sugatan sa engkwentro ng NPA at RPA-ABB sa Iloilo

September 28, 2012 9:45pm

Isang miyembro ng Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) ang nasawi, at dalawa pa nilang kasapi ang nasugatan nang makipagbarilan sa mga dati nilang kasamahan sa New People’s Army (NPA).

Sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon, sinabing naganap ang engkwentro nitong Huwebes sa San Joaquin, Iloilo.

Hindi pa matiyak ng mga awtoridad ang dahilan ng engkwentro, ngunit posibleng may kaugnayan umano ang pagtiwalag ng RPA-ABB sa NPA upang magbalik-loob naman sa pamahalaan. - FRJ, GMA News