ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kailan madalas maganap ang aksidente sa kalye?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Alam niyo ba na mula Enero ng kasalukuyang taon ay umabot na sa 6,492 ang naitalang aksidente sa lansangan sa bansa na nagresulta sa pagkasawi ng 775 katao. Batay sa talaan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), mas marami ang naitalang aksidente sa gabi na umabot sa 3,285, kumpara sa may liwanag pa na umabot sa 1,726 na insidente. Bukod sa 6,492 katao na nasawi dahil sa mga aksidente, mayroon ding 3,200 katao ang nasaktan o nasugatan dahil sa mga sakuna sa kalye. Lumilitaw na ang mga pangunahing dahilan ng sakuna ay sobrang bilis ng pagpapatakbo (1,353 insidente), bigong pag-overtake (1,085), at maling pagliko (1,079). Umabot naman sa 480 aksidente ang isinisi sa masamang kondisyon ng lansangan. - FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia