ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Adobo, kinamay ni Zac Efron sa KMJS


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Walang pag-aalinlangan na pinaunlakan ng Hollywood heartthrob na si Zac Efron na tikman ang chicken adobo na inialok sa kanya ng Kapuso host na si Jessica Soho. Sa programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) nitong Sabado, nagkaroon ng pagkakataon si Jessica na makapanayam ng one-on-one si Zac bago ang nakatakda nitong Penshoppe Fan Conference 2012 sa SM Mall of Asia. Sa bahagi ng panayam, napag-usapan ang pagnanais ni Zac na matikman ang mga pagkaing Pinoy. Kaya naman inalok ni Jessica ang Hollywood star na tikman ang dala niyang adobo. Kaagad naman itong pinaunlakan ng mapagpakumbabang aktor. Matapos iabot ang adobo na nakalagay sa platito, kinamay ito ni Zac at kinain. Maging si Jessica ay tila napabilib sa ginawang pagkain ni Zac sa adobo nang hindi gumagamit ng kutsara o tinidor. Matapos na sipsipin ang namantikaang daliri, “it’s good!" ang nasambit ni Zac. Ikinuwento rin ng aktor kay Jessica ang masaya niyang karanasan sa pamamasyal sa Mayon volcano at pagpapakuha ng isang fan na babae na nakita niya habang nag-iikot sa bulkan. Labis din ang pasasalamat ni Zac sa kanyang fans at sa ibinigay na pagkakataon sa kanya na makabisita sa bansa. “I'm very lucky and I feel very blessed to be able to do what I do," ayon kay Zac. - FRJimenez, GMA News

Tags: efron, zacefron