ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

P8-M extortion case, iniimbestigahan na ng PDEA


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagsasagawa na ng internal investigation ang Philippine Drug Enforcement Agency  kaugnay sa umanoy P8-milyon extortion anomaly sa loob ng ahensya. Sa ulat ni Allan Gatus sa dzBB, sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Jose Guttierez, Jr. na kumikilos na ang mga tauhan ng Internal Affairs Service (IAS) at inilagay na sa "floating status" ang lahat ng sangkot na mga tauhan ng PDEA sa umano'y tangkang pangingikil sa isang drug suspect na si Mark Sy Tan. Ikanalungkot naman ng opisyal ang paglabas sa media ng iba't ibang kuwento tungkol sa nasabing anomalya na maaari umanong makaapekto sa imbestIgasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso. Samantala, ayon sa ulat sa PhilStar.com, ang nasibak na si Carlos Gadapan, dating PDEA deputy director general for operations, ang naglantad sa isyu ukol kay Tan. Sinabi sa ulat na naniniwala si Gadapan na tinanggal siya sa trabaho dahil ipinaalam niya kay Gutierrez ang umano'y pagsusugal ng asawa nito. Si Gadapan ay iniimbestigahan dahil sa umano'y kasong corruption. Sa isang Senate hearing , idinawit ni Gadapan si Gutierrez sa "extortion attempt" kay Tan. Itinanggi ni Gutierrez at Tan ang paratang ni Gadapan. Nauna nang itinanggi ng abogado ni Tan sa preliminary investigation ng Department of Justice na nagbigay sila ng pera sa mga tauhan ng PDEA. — MM /LBG, GMA News