GMA News Online
Public Affairs
»
Powerhouse

Powerhouse

Powerhouse: Kara David

October 1, 2012 9:23am
POWERHOUSE: KARA DAVID
Date of Airing: October 2, 2012 

 
Ngayong Martes sa Powerhouse, samahan si Mel Tiangco sa pagbisita sa tahanan ng all-terrain woman at multi-award winning journalist na si Kara David.
 
Si Kara mismo ang nag-disenyo ng kaniyang all-white 3-storey home sa Cainta.  Nang manalo siya ng isang milyong piso sa reality show na Extra Challenge, ginamit daw niya ang pera sa pagpapagawa ng bahay.  Dahil open-floor plan ang layout ng bahay, mukha itong mas malaki kaysa sa sukat nitong 250 square meters. Pero tawag-pansin agad ang isang pulang dingding kung saan naka-display ang ilang litrato niya at ng kaniyang pamilya.  Makikita rin ang portrait ng yumaong opera singer na si Jovita Fuentes na lola pala ni Kara!
 
Magiliw na ilalarawan ni Kara kay Mel Tiangco ang kaniyang kabataan sa piling ng mga kilalang magulang—ang mga dating aktibista at ngayo’y mga propesor na sina Randy David at Karina Constantino-David.  Bagamat malaya raw niyang nagawa ang gusto niya, naramdaman din niya ang mataas na ekspektasyon mula sa mga magulang at maging sa ibang tao. Iba ang daan na tinahak ni Kara.  Ang pagkuha niya ng kursong Masscom ay isa raw aksidente at ikinalungkot ng kaniyang mga magulang.  Pero ang ‘aksidente’ palang ito ang simula ng kaniyang kahanga-hangang karera sa larangan ng pamamahayag.
 
Ibabahagi rin ni Kara kung paano siya nabigyan ng break ng kaniyang dating boss na si Jessica Soho;  ang pagsisikap na ginawa niya para maging ‘the best’ sa kaniyang trabaho; ang pagiging mabuting ina sa anak na si Julia at ang kanyang kakaibang pagmamalasakit sa kapwa sa pamamagitan ng kaniyang itinayong foundation.
 
Panuorin ang kwento ni Kara David sa Powerhouse ngayong Martes, 8PM sa GMA News TV.
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus