ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Makamandag na King Cobra, nahuli sa Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang King Cobra na mahigit na anim na talampakan ang haba ang nahuli sa isang bukid sa Barangay Taptap sa Cebu City. Sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon, sinabing nailipat na sa Cebu Zoo ang pangangalaga sa makamandag na ahas. Ayon sa zoo manager, mapanganib ang King Cobra na isa sa mga pinakamakamandag na ahas sa mundo. Noong nakaraang buwan, isang tauhan ng zoo sa Cebu ang muntik nang mamatay matapos matuklaw ng naturang uri ng ahas. Kaya naman daw humihingi ng tulong at pondo ang zoo sa lokal na pamahalaan para sa pagkuha at pag-imbak ng anti-venom. Bukod dito, nais din ng zoo na magkaroon ng wastong kulungan para sa mga ahas. - FRJ, GMA News