ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

llang artista at kilalang personalidad, nagpahayag ng saloobin ukol sa Cybercrime Law


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Gamit ang hash tag na #NoToCyberCrimeLaw, nagpahayag ng kani-kanilang saloobin ang Netizens kabilang na ang ilang kilalang personalidad tungkol sa Republic Act 10175 o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012. Ipinaalam ng mga Kapuso star na sina Maxene Magalona, Julie Anne San Jose, at Solenn Heusaff sa pamamagitan ng kani-kanilang Twitter accounts, isang social networking site, ang kanilang pagtutol sa nasabing batas. Pero ang Asia's Song Bird na si Regine Velasquez na minsan na umanong naging biktima ng mga tinatawag na "bashers" ay nagpahayag ng kanyang suporta sa naturang batas. Aniya: “It’s good to have parameters, it’s good to have rules and regulations.(Basahin: Regine Velasquez on Cybercrime Law: 'It’s good to have parameters, rules and regulations')

Protest wisely naman ang panawagan ng film at television commercial director na si Miguel "Mike" Alcazaren kaugnay sa init na idinulot ng kontrobersiyal na batas. Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Direk Mike na bagaman may mga kuwestiyunableng probisyon sa nasabing batas, mas makabubuti umano na ipaalam sa mga kinauukulan ang dahilan kung bakit ito tinutulan at dapat tanggalin. “Pelting the house of a neighbor you don’t get along with and then running away to remain anonymous is much easier than knocking on his door to explain why you are irritated with that person," ayon sa direktor. Binigyan-pansin din niya ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag pero tila napalampas ito nang panahon na tinatalakay pa lang ang panukala sa Kongreso hanggang sa isang senador ang nagawang makapagsingit sa ginagawang batas. “While it is great that there is vigilance amongst the netizens, for vigilance they say is the price of freedom, it doesn’t mean come with a noose and a lynch mob," aniya. “And it is nothing like the movie ‘V for Vendetta’. Vigilance is actually boring work because you have to look when no one is looking, listen when no else is and decipher what people don’t wan’t to read. Nobody paid attention to the bill until a certain Senator decided to insert a provision which he may have thought would allow him to get back at his critics," dagdag ni Direk Mike. Naniniwala din siya na hindi dapat hayaan na mabasura ang buong batas dahil ang malaking bahagi nito ay para protektahan ang publiko laban sa ibang umaabuso sa paggamit ng modernong teknolohiya. Sa mga naunang ulat, nakasaad na layunin ng cybercrime law na matigil ang online pornography, hacking, identity theft at spamming. Tugon ito sa reklamo ng mga awtoridad tungkol kakulangan ng batas upang masupil ang Internet crime. Sa nasabing batas, maaari ring makulong ang sino mang mapapatunayan ng korte na nagpost sa Internet ng mga mapanirang komento tulad sa Facebook o Twitter sa ilalim ng probisyon ng libelo. Bukod dito, maging ang simpleng share o like sa Facebook ay maaari rin umanong magamit na batayan sa isang netizen para makasuhan sa ilalim ng bagong kontrobersiyal na batas. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News