ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ama, napatay sa saksak ng sariling anak sa Iloilo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagwakas ang buhay ng isang ama sa Janiuay, Iloilo sa kamay ng taong binigyan niya ng buhay – ang sarili niyang anak. Sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon, sinabing kusang-loob na sumuko sa pulisya ang suspek na si Jerson Actiba, 18-anyos. Depensa ng suspek, ipinagtanggol lang niya ang sarili kaya napatay niya ang kanyang ama na si Liberado, 50-anyos. Kuwento ng suspek, armado umano ng itak ang kanyang ama at hinabol siya hanggang sa labas ng kanilang bahay. Napilitan umano ang suspek na saksakin ng tatlong ulit ang sariling ama dahil tatagain siya nito. Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman sa ina ng suspek na bata pa lang ito ay nakararanas na umano ng pananakit ng ama. Pareho rin umanong nakainom ang mag-ama nang maganap ang krimen. Hihintayin na lamang ng pulisya ang desisyon ng pamilya kung sasampahan ng kaso ang suspek. - FRJ, GMA News