ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

PAGASA: Potensyal na bagyo, maaaring pumasok sa bansa sa Lunes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Binabantayan ng PAGASA ang isang potensyal na bagong maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa Lunes.
 
Sa isang panayam sa radio dzRB, sinabi ni PAGASA forecaster Jori Loiz na ang low pressure area ay hindi namang inaasang kaagad na makaaapekto sa panahon sa loob ng bansa.
 
"Baka pumasok ito sa Lunes... nasa itaas na ito, ka-level ng Northern Luzon. Pagpasok niya medyo tataas siya," ayon kay Loiz.
 
Nang tanungin kung makaaapekto ang low pressure area sa oras na pumasok ito sa bansa, sinabi ni Loiz na: "hindi agad makakaapekto."
 
Ayon pa sa kaniya, inaasahan ng PAGASA na may papasok pang dalawa o tatlong bagyo ngayong Oktubre.
 
Nauna nang sinabi ni PAGASA forecaster Elvie Enriquez na inaaasahang mas maraming bagyo ngayong buwan ang tatama sa lupa kaysa sa mga nakaraang bagyo.
 
Kaaalis lang ni bagyong Marce sa bansa noong Biyernes, at nag-iwan ito ng isang taong patay. — TJD, GMA News
Tags: pagasa, bagyo,