GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

MILF, ikinatuwa ang bagong kasunduan para sa Bangsamoro

October 7, 2012 4:48pm
Ikinagalak ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front ang bagong kasunduang bumabalangkas kung papaano uusad ang usapang pangkapayapaan sa Mindanao.

Ang "framwork agreement" na napagkasunduan ng gobyerno at ng MILF ay tutungo umano sa paglikha ng isang political entity na tatawaging "Bangsamoro" na ipapalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao.

"We are very happy. We thank the president for this," ayon kay MILF vice chairman for political affairs Ghazali Jaafar.

Inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III nitong tanghali ng Linggo na nagkasundo na ang pamahalaan at ang MILF na palitan na ang ARMM ng "Bangsamoro" na magkakaroon ng ilang dagdag na nasasakupang lugar sa Mindanao.

Nabuo ang kasunduan matapos ang panibagong negosasyon sa Malaysia na nagsimula noong Oktubre 2 at natapos nito lamang Sabado.

“The ARMM is a failed experiment. Many of the people continue to feel alienated by the system, and those who feel that there is no way out will continue to articulate their grievances through the barrel of a gun. We cannot change this without structural reform,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Malacañang.

“This framework agreement paves the way for a final, enduring peace in Mindanao. It brings all former secessionist groups into the fold; no longer does the Moro Islamic Liberation Front aspire for a separate state. This means that the hands that once held rifles will be put to use tilling land, selling produce, manning work stations, and opening doorways of opportunity for other citizens,” sabi ni Aquino.

Nabuo ang kasunduan matapos ang 32 rounds ng preliminary talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng MILF na tumagal na ng siyam na taon. — LBG, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus