Exorcism, isinagawa sa may 30 mag-aaral sa Cebu na umano’y sinapian ng masamang espiritu
Mahigit 30 estudyante ang sinapian umano ng masasamang espiritu sa isang paaralan sa Talisay City sa lalawigan ng Cebu. Sa ulat ng GMA News TV’s Balitanghali nitong Miyerkules, sinabing nagulat na lamang ang mga guro nang biglang nagsisigaw at nagwala ang mga estudyante. Idinagdag sa ulat na naglaro umano ng “spirit of the paper" ang mga bata bago maganap ang insidente. Isang pa ri naman umano ang kaagad na nagsagawa ng exorcism sa mga estudyante. Magsasagawa naman ang Department of Health ng hiwalay na imbestigasyon tungkol sa nangyaring insidente. Noong nakaraang buwan, may 18 estudyante rin sa isang paaralan sa Davao City ang hinihinalang sinapian din ng masasamang espiritu.(Basahin: Pagsapi umano ng masasamang espiritu sa mga estudyante sa Davao City, iimbestigahan na)