ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Barbie Forteza at Derrick Monasterio, mas malapit sa isa't-isa sa set ng 'Mariposa'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Higit na mas malapit pa ngayon sa isa't-isa ang dalawang tween stars na sina Derrick Monasterio at Barbie Forteza sa kanilang bagong pinagtatambalang Telefantasya sa GMA-7 na "Mariposa."
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras noong Miyerkules, kitang-kita na wala nang ilangan at hiyaan na nagaganap sa pagitan ng dalawang tween stars.
Sa katunayan, aliw na aliw at hinahawak-hawakan pa ni Derrick ang prosthetics ng kanyang leading lady sa mukha na kasalukuyang nagte-taping bilang isang higad sa nasabing palabas.
"Pagwala akong ginagawa, hinahawakan ko lang yong dito niya [prosthetics sa bandang pisngi]. Kasi mabuhok yong dito, eh. Ayon, ang sarap ng feeling," biro ng young actor.
Samantala, masaya naman si Barbie sa kanyang prosthetics dahil hindi raw ito mahirap na tanggalin.
Sa parehong balita, nagbiruan din ang dalawang tween stars lalo pa noong tanungin si Derrick kung anong masasabi niya sa kanyang gagampanang papel sa palabas kung saan pag-aagawan siya nina Barbie at ng tween star na si Joyce Ching.
Wika pa ni Derrick, "Ganon po talaga yong character ko. Talagang medyo habulin ng chicks, yong character ha.
"Maniwala kayo sa akin yong character lang talaga 'yan," pabirong sagot naman ni Barbie.
Gayundin, masaya ang dalawang tween stars dahil tanggap na raw ng publiko ang kanilang love team na nagsimula sa ikalawang yugto ng Luna Blanca kung saan gumanap si Barbie bilang is Blanca at gumanap naman si Derrick bilang si Kiko. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular