GMA News Online
Public Affairs
»
Kapuso Mo, Jessica Soho

Kapuso Mo, Jessica Soho

Aswang sa Bulacan?, Budots, Kamayan Republic, at iba pa sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

October 12, 2012 2:33pm



Nababalot ngayon ng takot ang Brgy. Balubad sa Bulacan, Bulacan. Sunod-sunod kasi rito ang pagkamatay ng mga hayop. Si Mat, laking gulat daw nang makita ang apat na bagong bili niyang baboy na nakalabas ang lamang loob na tila sinipsip pa raw ang dugo. Si Ka Igno naman, humigit kumulang 29 niyang mga bibe ang nangamatay! Ang kumakalat na haka-haka, ang mga hayop na ito, kinain daw ng aswang?! Ano ang katotohanan sa likod ng pangyayaring ito?



Kung ang Amerika may "Teach Me How to Dougie" at ang Korea naman may "Oppa Gangnam Style", may pantapat daw ang mga Pinoy diyan---ang Budots dance! Pinasikat ito ng mga tambay ng Davao na Camusboyz. At ang dance craze na ito, popular na rin sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao! Eh magpapahuli ba naman ang mga taga-Luzon?



Hindi raw malalasap ang sarap ng pagkain kung hindi ito kakamayin. Katulad na lang sa isang kainan sa Antipolo, kung saan pinagbabawal ang paggamit ng kubyertos. Kaya maging mga dayuhang Koreanong bumibisita rito---nagkakamay!  Sa Cebu naman, binibigyan ng plastic ang mga customer para gamitin sa pagkakamay ng mga tinda nilang inihaw.



Hindi na lang daw sa bansang Turkey makikita ang mga Garra Rufa o mas kilala bilang doctor fish, dahil nagkalat na ngayon ang iba't ibang fish spa sa bansa, kung saan pwedeng ilublob ang buong katawan at magpapapak sa mga doctor fish. Sa Masbate naman, libreng makukuha ang serbisyong ito.  Matatagpuan kasi sa isang bukal dito ang hinihinalang isang klase ng doctor fish---ang adsi!



Ngayong Oktubre ginugunita ang National Stop Bullying Month. Sakto ang panawagang ito dahil sa nakalipas na mga araw, dagsa ang balita tungkol sa mga na-bully sa mga eskwelahan dito sa Pilipinas. Ang rapper na si Gloc 9, minsan ding binully.  Pero hindi siya nagpatalo sa mga ito. Sa katunayan isang kanta ang kanyang sinulat para sa mga tulad niyang minsang naging biktima ng bullying.

Abangan ang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ngayong Sabado, 7:30PM sa GMA Ch. 7!




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Kapuso Mo, Jessica Soho on Facebook
Kapuso Mo, Jessica Soho on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement