GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Recto, nakakuha ng kakampi sa Kamara sa isyu ng sin tax bill

October 12, 2012 9:41pm
Sa halip na batikusin, inihayag ng isang kongresista na dapat purihin si Senador Ralph Recto sa pagsusulong nito ng makatotohanang bersiyon ng sin tax bill kaysa sa imaginary version umano ng pamahalaang Aquino.

Inulan ng kritisismo at puna si Recto matapos maipasa sa pinamumunuan niyang Senate ways and means committee, ang bersiyon ng sin tax bill kung saan aabot lang sa P20 bilyon ang kikitain ng pamahalaan sa bagong buwis sa sigarilyo at alak, malayo sa hinahangad na P60 bilyong kita ng pamahalaan.

Dahil sa mga batikos, sinabi ni Recto na handa niyang iwan ang pinamumunuan niyang komite.

"Willing ako to give it up anytime, if there are any takers," pahayag ni Recto sa panayam ng mga mamamahayag.

Bagaman kaya umano niyang tanggapin ang mga batikos, sinabo ng senador na naapektuhan ang kanyang pamilya sa mga masasakit na alegasyon.

"Wala naman problema sa akin ‘yan, ang hindi matatanggap ng pamilya ko, yung pambabastos at masasakit na salita," paliwanag niya.

Partikular na tinukoy ni Recto ang alegasyon na pinagtaksilan niya ang gobyerno. Iginiit din niya na walang lobby fund na sangkot sa ipinasa niyang bersiyon ng sin tax bill.

"That is totally false, maging maginoo tayong lahat. Let's be civilized," pakiusap niya.

Pinag-aralan na bersiyon

Ayon kay Zambales Rep. Mitos Magsaysay, higit na makatotohanan ang bersiyon na ipinasa ng komite ni Recto kumpara sa bersiyon na ipinasa ng Kamara de Representantes at sa itinutulak ng Department of Finance (DOF) na tinawag niyang pang-"Ripley’s Believe It Or Not."

Naniniwala ang kongresista na masusing pinag-aralan ni Recto ang lahat ng aspeto sa usapin ng industriya ng sigarilyo at alak. Bukod sa kikitain sa buwis, binigyan din ng pansin ang magiging kapalaran ng mga manggagawa at magsasaka ng tobacco na maapektuhan nito.

“The report submitted by Senator Recto’s Senate ways and means committee does more good for public health than what was passed by the House or what was originally proposed by the Department of Finance (DoF) because the revenue goals in his bill are attainable and his proposed programs for healthcare are workable and sustainable," pahayag ni Magsaysay.

Sa bersiyon na ipinasa sa Kamara, aabot sa P30 bilyon ang kikitain ng pamahalaan sa sin tax na kalahati lamang sa orihinal na mungkahi ng pamahalaan na P60 milyon.

Iginiit naman Eastern Samar Rep. Ben Evardone, na dapat manindigan ang mga kongresista na mauupo sa bicameral conference committee sa bersiyon na ipinasa ng Kamara.

“The House panel in the bicameral on the sin tax bill should insist on our own version. We should not blink and resist the strong lobby of the tobacco industry. The House version reflects the true sentiment of the public for good health and fiscal reforms," pahayag ng mambabatas.

“The campaign of the government for good health and universal health care will fail if we adopt the senate version. We should not back down on our position," dagdag pa niya.

Umaasa naman si Quezon Rep. Lorenzo “Erin" R. Tañada III, na mababago ang bersiyon na ipinasa ni Recto sa sandaling talakayin na ang panukala sa plenaryo ng Senado.

Iginiit niya na mas mahalagang bigyan ng pansin ang usapin ng kalusugan kaysa sa kikitain sa mga produktong itinuturing sin products.

“Health of the majority of the poor trumps revenue anytime. It is not a question of revenues, it is a question of health," ayon kay Tanada.

“The logic is quite simple and straightforward. Going by BIR Chief Kim Henares’ figures, only about P45 billion will be collected from cigarette excise taxes but government spends P144 billion in medical expenditures for tobacco-related health problems. Government ends up ahead if people stopped smoking altogether," pagdiin ng kongresista. - RP/FRJ, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement