ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Anna Maria Perez de Tagle, nasa bansa para sa concert ng Jonas Brothers


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dumating na sa bansa ang Filipino-American singer-actress na si Anna Maria Perez de Tagle para sa nakatakdang concert ng Jonas Brothers sa susunod na linggo. Sa ulat ng Chika Minute nitong Biyernes, sinabing si Anna Maria ang magsisilbing opening act sa 2-night concert ng Jonas Brothers na gagawin sa Manila at Cebu. Napanood si Anna Maria sa Broadway musical na "Godspell" kung saan itinanghal siyang Best Featured Actress in a Musical ng isang entertainment website. Si Anna Maria ay isinilang sa California, at anak nina Evelyn Enriquez at Archie Perez de Tagle, dating TV personality. Apo siya ng batikang actress-singer at kinikilalang “Reyna ng Kundiman" na si Sylvia La Torre. - FRJimenez, GMA News