ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bilang ng nabiktima ng food poisoning sa Cotabato, umakyat sa 131


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umakyat mula 94 hanggang 131 ang bilang ng mga biktima ng food poisoning sa Makilala, North Cotabato. Nakasaad din sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council Sabado ng umaga na ang mga biktima ay kasalukuyang ginagamot sa Kidapawan Medical Specialist Center, Makilala Medical Specialist Center, Kidapawan Doctors Hospital, at sa Midway Hospital. Nalason ang mga biktima matapos kumain ng agahan noong Miyerkules na inihanda para sa mga sumali sa fun run sa Makilala, bilang paggunita sa foundation anniversary ng bayan. Bigla na lang umanong sumakit ang tiyan at nagsuka ang mga biktima matapos ang agahan. — LBG, GMA News