ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Taxi, Tawid Ilog, at Ateneo sa iisang 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ikinaaalarma ngayon ng mga kababaihang commuters ang pagkalat ng mga bali-balitang may ilang mga kawatang taxi driver ang nambibiktima diumano ng kanilang mga pasahero. Imbes kasi na ihatid sa kanilang paroroonan, nagagawa silang pagnakawan at kung minsan…pagsamantalahan pa. Hindi tuloy mapawi ang pangamba ng mga babaeng mananakay kung ligtas pa ba ang mga taxi’t iba pang pampublikong sasakyan. Inalam ni Victoria Tulad kung anu-anong mga pag-iingat ang dapat gawin tuwing sasakay ng taxi. Para sa mga estudyante ng Casili Elementary School sa San Mateo Rizal, tila araw-araw na pagsubok ang pagpasok sa kanilang eskwelahan. Kinakailangan kasi nilang tawirin ang rumaragasang ilog makarating lang sa kanilang klase. Maswerte na nga nilang maituturing ang ilang nakagagamit pa ng improvised na salbabida. Naranasan ni Saleema Refran kung gaano kahirap ang sinusuong na problema ng mga kabataang ito para lamang matuto. Makasaysayan ang inabangan ng lahat na pagsungkit ng Ateneo Blue Eagles sa kampeonato ng Men’s Basketball sa ika-75 season ng UAAP. Bukod kasi sa ipinagmamalaki nila ngayong “5-peat” o ikalimang sunod na championship. Ito na rin ang panahon kung kailan kailangan nang mamaalam sa kanilang koponan ang mga miyembro nitong matagal na panahon na ring naging bahagi ng kanilang samahan katulad na lang ng kanilang coach na si Norman Black. Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama. sa iisang Brigada!