GMA News Online
NewsTV
»
Motorcycle Diaries

Motorcycle Diaries

Motorcycle Diaries: Samar Island Expedition Part 3!

October 16, 2012 3:56pm


Sa ikatlong yugto ng Samar Expedition Series ng Motorcycle Diaries, higit pa nating kikilalanin ang Northern Samar.  Patuloy na tutuklasin ni Jay Taruc ang mga natatagong ganda ng probinsiya, at aalamin ang kalagayan ng mga kapatid nating Samarnon sa Norte.
 


Sa pagpapatuloy ng biyahe ng grupo, nadaan nila ang Biri Island, nabighani sila sa naglalakihang alon at magagarang rock formations ng lugar!  Ang hangin at alon ang nagsilbing iskultor ng mga naglalakihang bato. Pero higit na nakamamangha ang ilan nating kababayang Waray.  Sa Lavezares makikilala natin ang magkapatid na Mang Fabian at Victor, kapwa mga ‘buta” o bulag. Sa kabila ng pagkawala ng kanilang paningin, nagagawa pa rin nilang pumalaot at mangisda, kaya naman hindi mo maiisip na sila ay may kapansanan.
 


Sa ikalawang pagkakataon, muli namang binisita ni Jay ang Pambujan at Laoang, mga bayan sa northern Samar na napabilang sa pinakamahirap na lugar at may pinakamaraming kaso ng malnutrisyon sa Eastern Visayas noong 2009. Kakamustahin ni Jay ang kalagayan ngayon ng mga pamilyang kanyang nakilala noon.  Sakay ng bangka, tatawid si Jay sa isang isla na sakop din ng bayan ng Laoang. Bagamat napalilibutan ng tubig ang komunidad dito na kung tawagin ay “Little Venice” nananatili itong uhaw sa tubig. Ang mga kabataan sa lugar, maagang nagbabanat ng buto para sa kakarampot na kita sa pag-iigib.
 
Mula Northern Samar ay tutulak naman ang grupo patungong Eastern Samar.  Sa bayan ng Taft dadayuhin natin ang ‘bahay na nakabaligtad’ at wildlife rescue center. Habang kakamustahin naman natin ang mga residente sa bayan ng Dolores na Ilang taon ng iniinda ang sakit na schistosomiasis.
 
Huwag bibitiw sa ikatlong yugto ng ating Samar Expedition. Angkas na ngayong Biyernes sa patuloy na pagbagtas ni Jay sa isla ng mga Waray, 8PM sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV channel 11!
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus