ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Comelec chief, nanawagan ng 'mutual respect' sa mga party-list na grupo
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos magbanggaan ang dalawang "progresibong" grupo nitong Martes, nanawagan ng "mutual respect and civility" si Elections chief Sixto Brillantes Jr. sa mga grupong tumatakbo para sa 2013 eleksyon.
Sa post niya sa kanyang Twitter account, siniguro ni Brillantes sa publiko na magiging patas ang kanilang pagdedesiyon sa paglilinis ng party-list system para sa eleksyon sa susunod na taon.
"While I encourage public discourse and debate over the issue of whether certain party-list organizations are marginalized or not," aniya, "we cannot, however, resort to violence and commit disrespectful and vulgar acts just to make a point."
Inihayag niya ito matapos mag-alitan ang mga kapwa miyembro ng party-list aspirant Akbayan at ng militanteng grupong Anakbayan sa Manila nitong Martes.
Naganap ang insidente sa press conference ng Akbayan kung saan pinapaliwanag ng mga miyembro ng grupo kung bakit hindi dapat sila i-disqualify mula sa party list polls.
Bigla namang lumusob ang mga miyembro ng Anakbayan sa press conference at inakusahan ang Akbayan na pagiging "pekeng" party list at sunod-sunuran lamang umano ng administrasyong Aquino.
Kasalakuyang umuupo sa mga poste sa gobyerno ang ilang miyembro ng Akbayan, kabilang na si Loretta Rosales (Commission on Human Rights chairperson) at Ronald Llamas (Presidential political adviser).
Tumatakbo naman muli ang isa pang miyembro ng Akbayan, si natalong senatorial bet Theresia Baraquel, para sa posisyon sa Senado, sa ilalim ng koalisyon ng administrasyon.
Ayon kay Brillantes, kinikilala ng Comelec ang kahalagahan ng "cleansing" ng party-list system para sa lahat.
Gayunpaman, nanawagan siya para sa "mutual respect and civility among party-list groups."
"One thing I can assure the Filipino people is that whatever decision the Comelec will arrive at will be fair and will be according to law," aniya. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular