Rhian Ramos, ipinagdiwang ang kaarawan kasama ang mga batang may sakit
Muling nagpasaya ng mga batang may sakit ang Kapuso star na si Rhian Ramos matapos niyang ipagdiwang ang kanyang ika-22 taong kaarawan sa Philippine Children’s Medical Center. Sa ulat ni showbiz reporter Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Miyerkules, ipinaliwanag ni Rhian kung bakit sa ospital niya napiling i-celebrate ang birthday sa halip na sa Child Haus, ang organisasyon na tumutulong sa mga batang may cancer. “Every year kasi nagse-celebrate ako sa Child Haus pero ngayon dahil feeling ko mas may kakayahan na ‘ko to take on a bigger place, ayun kaya (sa PCMM)… pero ano tutulong pa rin ako sa Child Haus this year thru donation, pero dito yung party ko," paliwanag ng young star. Ikinuwento rin ni Rhian na mountain bike ang natanggap niyang regalo mula kay KC Montero, ang napapabalitang nobyo niya ngayon. Samantala, abala si Rhian ngayon dahil nagsimula na siyang magtaping para sa GMA primetime series na Indio kung saan makakasama niya si Sen. Bong Revilla. Nagsimula na rin siyang mag-shooting para sa film fest movie na My Sossy Problem na entry ng GMA Films sa Metro Manila Film Festival. Kasama ni Rhian sa movie sina Bianca King, Heart Evangelista, Solenn Huessaff at Ruffa Gutierrez. - FRJimenez, GMA News