ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jonas Brothers, dumating na sa bansa para sa Manila-Cebu concert


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dumating na sa bansa nitong Miyerkules ang Jonas Brothers -- na sina Nick, Joe at Kevin -- para sa nakatakda nilang concert ngayong linggo na gaganapin sa Manila at Cebu City. Sa late night news ng GMA 7's Saksi, nagpaunlak naman ng kaunting panayam ang magkakapatid kahit naging mahigpit ang pagbabantay sa kanila. Sumikat ang Jonas Brothers sa kanilang pop-rock music at sa tv musical na "Camp Rock." Kasamang sumalubong sa magkakapatid ang Fil-Am singer-actress na si Anna Maria Perez de Tagle na kasama nilang magtatanghal sa Manila sa Oct. 19 at sa Cebu sa Oct. 20. Inaasahan na kabilang sa mga kakantahin ng magkakapatid sa kanilang concert ay ang sikat nilang mga awitin mula sa kanilang album na It’s About Time, Jonas Brothers, A Little Bit Longer at Lines, Vines and Trying Times. Nitong nakaraang Mayo ay nasa bansa si Joe para mag-promote ng isang clothing brand. - FRJimenez, GMA News