Buboy Fernandez, Olsen Racela, at Marlon Stockinger sa Sports Pilipinas ngayong Linggo
Narito ang mga dapat abangan sa Sports Pilipinas ngayong Linggo:
ONE-ON-ONE: BUBOY FERNANDEZ
Naabutan ni Chino Trinidad sa General Santos City ang isa sa mga naging susi sa tagumpay ni Manny Pacquiao - ang assistant coach at bestfriend niyang si Buboy Fernandez! Kamusta kaya ang buhay sa loob ng Team Pacquiao ngayon na nagbago na rin ang Pambansang Kamao?
THE BIG OLS: OLSEN RACELA
Makakasama din natin ang isang Pinoy basketball legend na isa sa top point guards ng PBA nitong nakalipas na dekada at ngayo'y coach na! Tunghayan natin ang naging pagsisikap at tagumpay ni Olsen "Ra-Ra" Racela!
BEHIND THE WHEEL WITH MARLON STOCKINGER
Naka-bonding naman ni Isabel Oli ang isa sa rising stars ng racing circuit 'di lang sa bansa kundi abroad - ang champion formula race car driver na si Marlon Stockinger!
WHITEWATER RAFTING ADVENTURE SA TARLAC
Natuklasan ng Sports Pilipinas ang isang whitewater rafting heaven na malapit-lapit lang sa Manila. At kahit may kaba si Isabel sa tubig, sinubukan pa rin niya ang rapids sa Tarlac!
Abangan ang lahat ng 'yan at iba pang sports updates sa Sports Pilipinas!