Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Regine Velasquez reveals dyslexia

October 21, 2012 5:20pm

Sa unang pagkakataon, inamin ni Regine Velasquez ang pagkakaroon niya ng dyslexia.

Ayon sa National Center for Learning Disabilities, ang dyslexia ay “language processing disorder [that] can hinder reading, writing, spelling, and sometimes even speaking.”

Sina Albert Einstein, Tom Cruise, Cher, John Lennon, Leonardo Da Vinci, Pablo Picasso, at Whoopi Goldberg ang ilan sa famous at talented people na dyslexic, gaya ni Regine.

Nalaman lang ni Regine ang kanyang disability nang mapanood niya sa isang episode ng Oprah ang guest na nagkuwento tungkol sa kapansanan nito.

Kuwento ng Asia’s Songbird sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang sabi ng guest ni Oprah [Winfrey], yung D at B niya, baligtad.

“Tapos noong college na siya, for some reasons, hindi siya maka-spell.

“May isa pa akong pinanood… mahilig ako manood ng History Channel. Meron sila study about it.

“Sabi ko, sounds so familiar.

“Noong araw naman, walang ganyan. Ang alam lang nila, hindi ka marunong magbasa.

“The whole time, I didn't know what it was.

“I have a feeling na I already have that kasi name-mention na ‘yan sa akin.

“Sabi ko, parang may ganyan ako.

“Parang hindi ako makapaniwala na I have such good memory and I can't spell. There has to be something wrong.

“Kailan lang ako nakaka-spell dahil sa text.

“But, ang weird, sometimes I can spell the hard words, but I can't spell the word tongue."

Patuloy niya, “Nang mapanood ko 'yon, parang bumalik ako sa grade school. Parang nag-tunnel ako.

“Naalaala ko lahat na akala nila, akala ng nanay ko, malabo yung mata ko.

“Kasi kapag tsine-check nila yung book ko, kasi tuturuan ako ng nanay ko, hindi nila mabasa yung isinusulat ko.

“Kinokopya ko lang sa blackboard, hindi nila maintindihan.

“Sabi nila, malabo ang mata ko kaya inilagay ako sa unahan, sa first row.

“Kaya pala hindi nila mabasa, bali-baligtad yung letters B at D ko and I remembered that. Hindi nila ma-distinguish ang B at D ko.

“Then later on, I found out, I have problems with numbers.

“Memoryado ko yung mga number na 1, 2, 3... pero hindi ako maka-memorize ng telephone numbers. Mahirap mag-memorize.

“Babasahin ko ang script, so nakabisado ko kung paano isinulat.

“Pero kapag inilagay mo sa prompter at iba ang pagkakasunud-sunod, hindi ko na mababasa 'yon."

Nakausap ng PEP si Regine sa mismong bahay nila ng asawang si Ogie Alcasid kagabi, October 20.

Bullied

Dahil sa kapansanan ni Regine, naranasan niya na tuksuhin sa klase at pagsabihan na mahina ang kanyang ulo.

"Binu-bully ako noong grade school… especially in high school.

“I didn't like school very much.

“Close to traumatic experience sa akin kaya yung school, hindi ko masyadong na-enjoy  

“I have a good memory at ito ang coping mechanism ko—I would listen noon sa plaka ng four times at kabisado ko na.

“Sinasabi ng tatay ko na ang galing-galing ko. Matalino raw ang anak niya."

Hindi naging sagabal ang pagiging dsylexic ni Regine sa singing career niya dahil sa kanyang matalas na memorya.

On November 16, ipagdiriwang ni Regine ang kanyang 25th year sa entertainment industry sa pamamagitan ng isang concert, ang Silver.

Special guests niya sina Lani Misalucha, Janno Gibbs, at ang kanyang asawa na si Ogie Alcasid. Pep.ph




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus