ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kiefer Ravena, Vergel Meneses, at Player-Coaches ng PBA sa Sports Pilipinas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ONE-ON-ONE: KIEFER RAVENA
Naka-one-on-one ni Chino ang 2011 Rookie of the Year at kabilang sa champion team ng Ateneo De Manila University Blue Eagles noong nakaraang UAAP Seniors Basketball Division - "The Phenom" Kiefer Ravena. Alamin ang kanyang mga pangarap sa basketball at pagmamahal sa kanyang pamilya.   
THE AERIAL VOYAGER: VERGEL MENESES
Makikilala din ang isang alamat ng court na isa sa 25 Greatest Players ng PBA - "The Aerial Voyager" Vergel Meneses. May asim pa kaya ang PBA superstar na isa na sa mga veterans sa laro ngayon?
 
TOP 3 PLAYER-COACHES NG PILIPINAS
Hindi lahat ng players magaling mag-coach, kaya naman piling-pili lang ang mga successful players-turned-coaches ng PBA. Sino ang mga top player-coaches ng Philippine Basketball?
 
PARAGLIDING SA SARANGGANI
Gusto niyo bang ma-experience lumipad sa ere na parang ibon? May ibang trip ang mga taga-Sarangani para lang dyan! Natuklasan namin ang mga paragliding enthusiasts sa probinsya na ito na game na game namang pinakita sa amin ang sobrang exciting at nakamamanghang sport na ito.
 
PHILIPPINE MEMORY GAMES TEAM
Hindi lang pang-brusko ang sports. Pati ang mga magagaling sa mental games, may sariling sport din. Ma-e-exercise din ang inyong brain cells dahil makikilala na natin ang mga miyembro ng Philippine Memory Games team! Abangan ang lahat ng 'yan sa Sports Pilipinas, Linggo, 11:15AM sa GMA News TV!