ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Aide ni Robredo, nagsalita na ukol sa trahedya sa 'Wish Ko Lang'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
WISH KO LANG Airing Date: October 27, 2012 Tapat at masigasig na kanang-kamay ng dating DILG Secretary Jessie Robredo si Jun Abrazado. Bilang aide, siya ang laging kasama sa halos lahat ng lakad ng kalihim, dahil ang tungkulin niya ay ingatan at ilayo sa kapahamakan ang kanyang amo. Ngunit sa isa nilang biyahe sa probinsiya, bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano. Walang nakaligtas maliban lang kay Abrazado. Pagkalipas ng dalawang buwan, magsasalita na at sasariwain niya ang naganap na trahedya. Sa kanya namang pagkakaligtas, utang niya raw ang ikalawa niyang buhay sa kanya kaya nais niya ring raw suklian ang nagsilbing anghel habang siya ay nasa laot. Habang si Josefina, hindi malimutan ang isang kabanata ng kanyang buhay, ito ay ng iwan ang anak noon. Naghiwalay daw sila ng kanyang mister at pilit niyang sinasama ang bata pero ayaw ibigay sa kanya. Kung sakali raw na tangkain na kunin ang anak, tiyak na magkakagulo raw. Lumipas ang maraming taon, umaasa na lang ang nangungulilang ina na mag-krus muli ang kanilang landas ng kanyang panganay. Wish ni Josefina ay maganap iyon sa lalong madaling panahon dahil umiikli na raw ang mitsa ng kanyang buhay dahil sa isang malubhang karamdaman. Paano maaayos ang gusot ni Nanay Josefina sa kanyang dating mister na hadlang para makapiling ang anak? At ang paghaharap ni Abrazado at ng mangingisdang sumalba sa kanya, abangan sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado, 4:15 pm.
More Videos
Most Popular