ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lalaki, napatay sa saksak ang umano’y lasing na kapitbahay
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang lalaki na umano’y lasing sa alak ang napatay sa saksak ng kanyang kapitbahay sa San Manuel, Pangasinan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, lumitaw umano sa imbestigasyon ng pulisya na lasing ang biktima nang mapadaan sa bahay ng suspek. Bigla umanong nagsisigaw ang biktima na humantong sa mainitang pakikipagtalo sa suspek. Kasunod nito ay tumalilis ang biktima pero hinabol siya ng suspek na armado umano ng bolo. Nang maabutan, sinaksak nito ang biktima hanggang sa mapatay. Nadakip naman ang suspek at umamin umano sa nagawang krimen. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular