ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Sundalo, patay sa engkwentro ng militar at hinihinalang mga NPA sa Iloilo
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang sundalo ang nasawi sa engkwentro ng militar at hinihinalang mga miyembro ng New Peopleâs Army sa Leon, Iloilo. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Lunes, sinabing nagpapatrolya sa barangay Bucari ang mga kasapi ng 82nd Infantry Battalion ng Philippine Army nang makasagupa nila ang mga rebelde. Sinasabing nasawi si Private First Class John Philip Durana habang nilalapatan ng lunas sa ospital. Hind naman matiyak pa kung may nasugatan sa hanay ng mga rebelde. Nagsasagawa ng follow-up operation ang militar para tugisin ang mga rebelde. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular