GMA News Online
Showbiz

Sumali at manalo sa 'Kapuso Milyonaryo sa Pasko' ng GMA Network 

October 31, 2012 11:23am
Matapos ang matagumpay at talagang sinalihang Kapuso Milyonaryo Promo ngayong taon, muling magbibigay saya ang Kapuso Network para sa mga tapat na manonood sa "Kapuso Milyonaryo sa Pasko."
 
Ang bagong palaro ng GMA-7 ay magbibigay pag-asa sa mga Kapuso na makauwi ng milyong-milyong salapi at mga exciting Christmas package.
 
Sa promo period na tatagal hanggang Disyembre 23, magbibigay ang GMA ng P7,000 sa walong mananalo kada linggo (dalawa sa bawat lugar: NCR, Luzon, Visayas, at Mindanao), at tumataginting na P1,000,000 sa apat na masuwerteng mananalo at ito ay tax free.
 
Maliban dito, maaari ring mag-uwi ang apat na masuwerteng kalahok ng ilan sa mga sumusunod na Pamasko Prizes tulad ng  computer showcase, kitchen showcase, home theater set, at 3-day 2-night trip papuntang Boracay para sa tatlo.
 
Samantala, mas pasasayahin pa ng GMA Network ang iyong Pasko dahil magkakaroon ng karagdagang panalo ng P1,000,000 each para sa tatlong masuwerteng taga-subaybay na ipakikilala sa grand draw handog ng sponsors na Aji-no-noto Umami Seasoning, Nescafe 3in1, at CDO Karne Norte Afritada at Caldereta.
 
Para makasali, kolektahin lamang ang mga proof of purchase (POP) at i-enclose ito sa isang legal-size envelope at sa isang papel ay isulat ang inyong pangalan, address, edad, contact number, at lagdaan. 
 
Sa likod ng sobre, isulat ang "Kapuso Milyonaryo Sa Pasko", brand ng naka-enclose na POP, at lugar ng tirahan (NCR, Luzon, Visayas, at Mindanao).
 
Maaaring ihulog ang inyong entries hanggang Disyembre 23 sa drop boxes na matatagpuan sa GMA Network Center, GMA Regional stations, GMA Radio station, at sa piling Mercury Drugstore branches nationwide.
 
Ang mga mananalo ay ipapapkilala sa commercial breaks ng GMA at GMA News TV at papadalhan sa nakarehistrong mail. Lahat ng hindi mananalong entries mula week 1 hangang 8 ay makakasali sa grand draw na gaganapin sa Disyembre 30. Mac Macapendeg/RSJ, GMA News