ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Zsa Zsa Padilla, maagang binisita ang puntod ni Dolphy
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Maagang binisita ng singer-actress na si Zsa Zsa Padilla ang puntod ng kanyang yumaong life partner na si Dolphy Quizon sa Heritage Park, Taguig City. Kasama ng Divine Diva na bumisita sa puntod ng comedy kung ang anak nilang si Zia Quizon, ayon sa ulat ni Luane Dy sa Balitanghali nitong Miyerkues, Ang puntod ni Dolphy ay napapalibutan ng mga puting bulaklak na sinasabing paboritong kulay ng hari ng komedya. Ayon kay Zsa Zsa, labis niyang nami-miss si Dolphy na pumanaw noong Hulyo sa ospital dahil sa karamdaman. Natutuwa naman si Zsa Zsa na maraming dumadalaw sa puntod ni Dolphy kaya naman naglagay na sila ng tent sa lugar para na rin sa mga bibisitang tao. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News
Tags: dolphy, nationalartist
More Videos
Most Popular