ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga anak ni Annabelle Rama, nagpalipat ng rehistro sa Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Magkasunod na nagpalipat ng kanilang voter’s registration sa Cebu sina Richard Gutierrez at Ruffa Gutierrez, mga anak ng talent manager na si Annabelle Rama. Sa GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabi hindi na pinapila ang magkapatid nang magpatala para maiwasan ang kaguluhan sa labas. Bukod sa magkapatid na Gutierrez, sinabing nagpalista rin sa Comelec-Cebu ang Kapuso actress na si Sarah Lahbati at ina nito. Si Annabelle Rama ay tatakbong kongresista sa Cebu sa 2013 elections kung saan makakalaban niya ang nagbabalik na si ex-Rep. Raul Del Mar. Sa hiwalay na ulat, ipinaliwanag ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na sadyang may courtesy line para sa mga nakatatanda, may kapansanan at maging sa VIP. Pero ang pagpapagamit ng courtesy ay nasa disposisyon umano ng mga namumuno sa tanggapan ng ahensiya. Huling araw na ng pagpapatala ng mga botante nitong Miyerkules. - FRJ, GMA News