ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mahigit 200 pasaway sa mga sementeryo sa Davao City, kalaboso


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa paninigarilyo, paglalasing, at pagpapatugtog ng malakas sa loob ng mga sementeryo, nakakulong ngayon ang mahigit 200 katao sa mga himpilan ng pulis sa Davao City. Sa ulat ni Raul Tolibas ng RGMA-Davao sa dzBB nitong Biyernes, sinabi ni Sr. Supt Ronald dela Rosa, hepe ng Davao City police, na posibleng sa Lunes na makalalabas ang mga nahuli, at sasampahan din sila ng iba't ibang mga kaso. Sinabi rin ni Dela Rosa na hindi nagkulang ang kanyang tanggapan, pati na rin ang media sa Davao City, sa pagpapaalala (bago pa mag-Undas) sa mga mamamayan ukol sa mga batas na ipatutupad ng lokal na pamahalaan. Matatandaang ang Davao City ang unang nagpatupad ng batas na nagbabawal sa paninigarilyo sa kahit saang pampublikong lugar. — LBG, GMA News