ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Halloween fever, buhay na buhay sa Iloilo
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi nagpahuli ang mga taga-Iloilo sa pagdiriwang ng Halloween kung saan pati ang mga duktor at nurse sa isang district hospital ay nagsuot ng mga nakakatakot na costume. Sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon, nagmistulang aswang at lamang- lupa ang mga duktor at nurse sa Molo District Health Center sa Iloilo habang ginagamot ang kanilang mga pasyente na hindi naman umano natakot. Maging ang mga parlorista sa isang parlor shop sa Iloilo ay kanya-kanya ring suot ng mga nakakatakot na costume na ikinaaliw ng kanilang mga kliyente. Hindi rin nawala ang Tigkaralag Festival of Pavia o ang pista sa panahon ng mga kaluluwa. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular