ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Eksena diyan, Eksena dito sa 'May Tamang Balita'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MAY TAMANG BALITA Eksena diyan, Eksena dito! Airing Date: October 8, 2012 Wala raw nakikitang masama sa political dynasty ang reelectionist senator na si Alan Peter Cayetano na kapatid ng kapwa senador na si Pia Cayetano, asawa ng mayor ng Taguig na si Lani Cayetano at kuya ng barangay captain na si Lino Cayetano. Tama, ano nga ba naman ang masama?! Sa kabila ng panawagan ng COMELEC, marami pa ring pulitiko ang umeksena noong nagdaang undas. Nagkalat sa sementeryo ang tarps, tents, bottled water, pagkain at kandilang may tatak ng mga epal! Anong sunod dito? Mga patay na, pero botante pa rin? Abangan natin sa 2013! Hindi rin nagpahuli sa pag-eksena ang ngayo’y patuloy sa pagsikat na si Zendee. Kumusta na kaya siya matapos mag-perform sa isang sikat na TV show sa America? Samantala, nabulabog naman ang showbiz kamakailan dahil sa makahulugang mga tweet umano ni Megastar Sharon Cuneta. Muli raw nabuhay ang mga isyung matagal na sanang patay. Kaya naman para sagutin lahat ng ito, exclusive sa MTB si Ate Shawie!
At dahil kaarawan ng 'Reyna ng Twitterlandia,' isang espesyal na “Ang Twit-Twit Mo” ang hatid namin sa inyo. Si Boobay naman ang aasarin ng mga personalidad na madalas niyang okray-okrayin! Lahat ng ito sa May Tamang Balita ngayong Huwebes, 10:30 PM sa GMA News TV!

More Videos
Most Popular