ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Isabel Oli at Maey B bilang bird trainer sa 'Day Off'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
DAY OFF Bird Trainer Airing Date: November 10, 2012
Ngayong Sabado sa Day Off, ang makukulay, maiingay, at bibong bibong nilalang ng himpapawid ang makakasama nina Isabel Oli at Maey Bautista upang muling pasayahin ang ating hapunan. Panoorin kung papaano magpapaka master showman ang ating mga tropa bilang bird trainors ng Crocodile Park Manila. Iba't ibang bird tricks kagaya ng pagba-basketball, pagsayaw, pagkanta, hanggang sa paglusot sa obstacle course ang ituturo nila sa mga ito. Maintindihan kaya silang dalawa ng mga ibon? O baka tukain lang sila ng mga ito? Ano kayang mangyayari kung makawala at lumipad sa himpapawid ang isa sa mga ito kagaya na lamang ng nangyari sa tinuturuang ibon ni Isabel? Mukhang riot na naman ito. Samantala, isang araw ng relaxation at pampering around the Metro naman ang handog ni Pekto sa ating maswerteng Day Off winner na si Ronnel. At bukod diyan ay may sorpresa pang advanced baby shower para sa kanyang paparating na little bundle of joy. Isang pumapagaspas sa saya at sorpresang episode ang dadagit sa atin ngayong Sabado, 6pm ng gabi sa GMA News TV.
Ngayong Sabado sa Day Off, ang makukulay, maiingay, at bibong bibong nilalang ng himpapawid ang makakasama nina Isabel Oli at Maey Bautista upang muling pasayahin ang ating hapunan. Panoorin kung papaano magpapaka master showman ang ating mga tropa bilang bird trainors ng Crocodile Park Manila. Iba't ibang bird tricks kagaya ng pagba-basketball, pagsayaw, pagkanta, hanggang sa paglusot sa obstacle course ang ituturo nila sa mga ito. Maintindihan kaya silang dalawa ng mga ibon? O baka tukain lang sila ng mga ito? Ano kayang mangyayari kung makawala at lumipad sa himpapawid ang isa sa mga ito kagaya na lamang ng nangyari sa tinuturuang ibon ni Isabel? Mukhang riot na naman ito. Samantala, isang araw ng relaxation at pampering around the Metro naman ang handog ni Pekto sa ating maswerteng Day Off winner na si Ronnel. At bukod diyan ay may sorpresa pang advanced baby shower para sa kanyang paparating na little bundle of joy. Isang pumapagaspas sa saya at sorpresang episode ang dadagit sa atin ngayong Sabado, 6pm ng gabi sa GMA News TV. More Videos
Most Popular