ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Petisyon ni Abalos na makapunta sa Taiwan, tinanggihan ng korte


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tinanggihan ng Pasay City court nitong Huwebes ang petisyon ni dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos na magpunta sa Taiwan para sa isang business transaction. Para kay Judge Jesus Mupas, walang sapat na basehan ang petisyon ni Abalos, ayon sa ulat ni Sam Nielsen ng dzBB. Dagdag pa umano ni Mupas, walang "urgent basis" ang balak na pagpunta ni Abalos sa Taiwan at wala rin umanong indikasyon na siya lamang ang maaaring makapagsagawa ng business transaction doon. Nahaharap sa kasong electoral sabotage si Abalos, at pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa. Noong Oktubre 29, ibinasura rin ng Sandiganbayan ang petisyon ni Abalos na payagan siyang magpunta sa Taiwan. Tinanggihan ng Fourth Division ng anti-graft court ang petisyon dahil wala umanong inilakip na itinerary si Abalos sa kanyang petisyon. Gayunpaman, inihayag ng anti-graft court na maaari pa rin namang maghain ang dating Comelec chairman ng panibagong mosyon upang makabiyahe siya sa ibang bansa. Noong nakaraang buwan, humiling ng permiso si Abalos na magtungong Taiwan upang kumuha ng fingerlings para sa kanyang umano'y naluluging aquaculture business. Ayon sa kanya, nais niyang kumuha ng fingerlings sa Taiwan. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News