ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Isabel Oli, 'di natutuwa sa tweets ukol sa hiwalayang Paolo Contis-Lian Paz


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi ikinatutuwa ng Kapuso aktres at TV host na si Isabel Oli ang mga natatanggap niyang hindi magandang mensahe sa Twitter, dinadamay daw kasi ang kanyang pangalan sa hiwalayang Paolo Contis at Lian Paz. "Ang dami talagang ganong [hate] tweets and parang... hindi ako natutuwa. Kasi ano, eh, relationship 'yon, diba hindi naman dapat ikatutuwa 'yong pahihiwalay, diba? It's a sad thing and siyempre may mga anak na sila," saad ng aktres. Nadadawit ang pangalan ng aktres dahil dating naging magkasintahan niya si Paolo. Ayon sa ulat ng StarTalk TX noong Sabado, wala raw sa bansa ang aktres nang pumutok ang balita ukol sa naturang hiwalayan. Wika pa nito, "Actually nasa Singapore ako nun so pagbalik ko lang nabalitaan ko sa mga tao. Madaming nagtu-tweet sakin, sabi ko 'Ano ba 'yan?' Ang tagal, tagal na ah!" Samantala, hindi na rin magkaibigan sina Isabel at Paolo kaya naman matagal na rin silang hindi nagkikita. Gayundin, handa naman raw ang aktres kung sakaling magsama sila ng dating kasintahan sa trabaho. Aniya, "Ako ready naman talaga ako, eh. Pag work, work talaga." — Mac Macapendeg /LBG, GMA News