GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

PAGASA, nakatutok sa namumuong sama ng panahon sa Mindanao

November 11, 2012 4:56pm
Patuloy na minamanmanan ng PAGASA ang isang low-pressure area na posible raw maging bagyo habang papalapit sa Mindanao.

Kasabay nito, sinabi rin ng PAGASA na posible rin ang mga pag-ulan sa bahagi ng VIsayas at Mindanao ngayong Linggo.

Ayon kay PAGASA forecaster Glaiza Escollar, ang LPA ay nakapaloob sa inter-tropical convergence zone (ICTZ) na nakaaapekto sa Palawan at Mindanao.

"Ang LPA, medyo mababaw kaya hindi natin inaasahang maging bagyo sa loob ng 24 oras," ani Escollar sa isang panayam sa dzBB.

Sakaling maging bagyo, ang LPA ay tatawaging "Pablo," ang ika-16 na bagyong nakapasok sa Philippine Area of Responsibility.

SA isang ulat ng PAGASA kaninang 4 a.m., natagpuan ang LPA sa layong 560 km silangan ng timog Mindanao.

"Visayas and Mindanao will be cloudy with occasional light to moderate rain showers or thunderstorms.Bicol region will have light rain," ayon naman sa hiwalay na weather bulletin ng PAGASA alas-5 ng umaga.

Magiging bahagyang maulap na may kalat-kalat na pag-ulan naman sa Metro Manila sa bandang hapon at gabi.

Patuloy pa rin daw magiging mainit sa Metro Manila, kung saan maglalaro ang temperatura sa pagitan ng 24 at 33 degrees Celsius.

Naitala rin ang mataas na temperatura kahapon ng Sabado na umabot ng 33.8 degrees.

"May kainitan kahapon, ngayon ang taya ay 33 degrees," ani Escollar. — LBG, GMA News

i am ready



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus