Bonus ng govt workers sa 2013, ibabatay na sa public satisfaction rating
Simula sa susunod taon, ibabatay na sa "public satisfaction rating" ang mga bonus na tatanggapin ng mga tauhan ng mga ahensya ng pamahalaan. “Next year ang titingnan natin ang rating ng agency when it comes to delivery of frontline services,” ayon kay director Victoria Esber ng Civil Service Commission-Office for Strategy Management. Ito'y sinabi ni Esber sa panayam ng GMA News Online noong Miyerkules, at aniya tatanungin din ang bawat ahensya ng ganito: “Mataas ba ang rating mo [ahensya] that your people deserve a performance based bonus?” Ipatutupad na sa susunod na taon ang "memorandum circular" ukol sa naturang polisiya, dagdag pa niya. Sa tulong ng accredited civil society organizations, madedetermina ng CSC ang rating ng bawat ahensya, ani Esber. Ayon sa kanya, magsasagawa rin ng "nationwide surveys" at mga panayam sa mga taong kapupunta lamang sa mga tanggapan ng gobyerno para kumustahin ang mga serbisyo ng mga tanggapan ng gobyerno. Dagdag pa ni Esber: "The surveys and interviews will: 1) obtain feedback on how agencies implement the provisions in their Citizen’s Charter; 2) gather information/estimates of hidden costs incurred by clients in availing frontline services; and 3) rate agency performance and client satisfaction in relation to frontline service delivery and fulfillment of provisions of the Anti-Red Tape Act (ARTA)." Sa ngyon, ang Citizen’s Charter ay isa sa mga sukatan kung natupad ang mga kondisyon na inilatag ng Department of Budget and Management, at ito na rin ang magiging batayan ng pagdedetermina ng bonus. Isa pa sa mga kondisyon ay kung nakakuha ba ang isang departamento ng 90 porsyento ng "Major Final Output (MFO)" at "Priority Program Targets" na itinakda ng "Key Result Areas" alinsunod sa Executive Order No. 43. Kasama rin sa mga batayan ay kung natupad ang "good governance conditions" na inilatag ng inter-agency task force na binuo batay sa Administrative Order No. 25. "A performance based bonus will range from P5,000 to P35,000, depending on individual and collective performances," ayon kay Esber. “'Yung sa ngayon, simple lang ang requirement natin, you should have a Citizen’s Charter, ano ang commitment mo to them when it comes to frontline services,” ani Esber. “Next year, [people’s] rating na, stiffer standard na tayo,” aniya. Tatanungin ang mga tao: “‘O, Juan dela Cruz, kumusta ang serbisyo ng LGU na ‘to?’" They know na merong magkokomentaryo, merong magre-rate sa kanila, not the CSC but the people,” ayon kay Esber. — LBG, GMA News