ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kinabot na umano’y magnanakaw, dinala sa presinto ng kanyang biktima


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isa umanong kilabot na magnanakaw sa San Fernando, La Union ang nahuli ng kanyang mismong biktima at binitbit ito sa himpilan ng pulisya. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing isang linggo na ang nakalilipas nang nakawin ang kanyang laptop at cellular phone ng suspek. Natandaan ng biktima ang mukha ng suspek kaya nang muli niyang itong nakita ay siya mismo ang nagdala sa presinto. Mariin namang itinanggi ng suspek ang paratang. - FRJ, GMA News