GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Kakaibang lambingan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica, ibinuking ng kanilang co-stars sa Coffee Prince

November 16, 2012 9:30pm
Dahil sa sobrang sweetness nina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa set ng Coffee Prince, hindi na raw kailangang lagyan pa ng asukal ang kape ng iba pang cast members ng nasabing romantic-comedy series ng GMA-7.

Sa panayam ng Kape at Balita ng GMA News TV nitong Biyernes, ibinisto nina Benjamin Alves at Max Collins ang sobrang lambingan nina Kris at Aljur.

“Napaka-sweet nilang dalawa, sobra… yung lambing nila sa isa’t isa kakaiba," ayon kay Max.

Dugtong naman ni Benjamin, “’Pag nagkakape hindi na kailangan ng asukal kasi sobrang sweet ng dalawa… nilalanggam kami sa set lagi."

Ayon kay Kris, marami pang dapat abangan ang mga tagasubaybay ng serye tungkol sa pag-iibigan ng karakter na ginagampanan nila ni Aljur na sina Andi at Arthur.



Si Andi ang karakter na ginagampanan ni Kris na isang babae na nagpanggap na lalaki.

Sinabi ni Kris na matutuklasan na ni Aljur o ni Arthur ang tunay na katauhan ni Andi na isang babae.

Sakabila ng mataas na rating, hanggang November 23 na lang ang Coffee Prince at papalitan na ito ng Pahiram Ng Sandali—ang primetime series na pagbibidahan nina Dingdong Dantes, Max Collins, at Lorna Tolentino.

Hindi na raw kasi pumayag ang Munhwa Broadcasting Corporation (MBC) sa South Korea, ang may hawak sa rights ng Coffee Prince na ma-extend ang ibinigay na franchise para sa Pinoy version ng naturang serye. - FRJimenez, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus