Mataas na bilang ng aksidente sa Cam Sur binantayan ng 'Rescue'
RESCUE Naga City Rescue Team Airing Date: November 22, 2012 Mula mismo sa video na kuha ng Naga City Rescue Team, tunghayan kung paano nila nirespondehan ang isang matandang agaw-buhay matapos mahagip ng isang kotse sa Maharlika Highway. Sa pagbabantay ng Rescue sa kanilang headquarters, isang aksidente rin ang nahagip ng kanilang CCTV camera kung saan nagsalpukan ang isang motorsiklo at isang tricycle. Mahabang sugat sa ulo ang tinamo ng tricycle driver habang mga galos ang natamo ng dalawang sakay ng motorsiklo. Ayon sa tala ng Department of Public Works and Highways nangunguna ang ikalawang distrito ng Camarines Sur sa may pinakamataas na bilang ng traffic accident sa bansa. Sa kabuuang bilang na halos 600 aksidente, naitala rin dito ang pinakamataas na bilang ng mga nasawi na umabot sa 58. Ano ang ugat ng mataas na bilang ng mga aksidente sa lugar? Paano magiging mas ligtas ang biyahe ng mga motorista? Samahan si Arnold Clavio sa RESCUE! Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!