ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Willie Revillame, iiwan na ba ang showbiz?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“Hindi ko alam kung aabutin pa ako ng January 5..." Ito ang bahagi ng naging pahayag ng television host na si Willie Revillame na naging palaisipan sa mga nakapanood sa kanyang programa nitong Martes ng gabi. Sa artikulong isinulat ni Jojo Gabinete na lumabas sa website ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Miyerkules, sinabing ginawa ni Willie ang kanyang palaisipang pahayag sa programa nitong Wil Time Bigtime. Nagpaalam na umano si Willie sa management ng TV5, at magbibigay siya ng mahalagang anunsiyo tungkol sa kapalaran ng kanyang programa sa January 5, 2013. “January 5, abangan ninyo, mag-a-announce ako ng desisyon kung ako'y magtutuloy pa sa programang ito," aniya. “January 5, basta abangan n'yo. Ia-announce ko lahat yon. Inabisuhan din niya ang kanyang mga staff na maghanap na ng dapat nilang puntahan. “Basta magmula ngayon, enjoy muna tayo," ayon pa sa 51-year-old TV host. “Hindi ko alam kung aabutin pa ako ng January 5..." Ang naturang anunsiyo ni Willie ay nagresulta naman ng iba’t ibang komento mula sa mga nakabasa ng artikulo sa PEP. May nag-iisip na posibleng lilipat lang si Willie ng ibang TV network, at mayroon ding hindi maiwasan na mag-alala na baka mayroon siyang malubhang karamdaman. Mayroon din nag-iisip na baka pumalaot sa pulitika ang TV host dahil magsisimula na ang kampanya ng mga kandidato sa susunod na halalan. Noong Abril, inanunsiyo ni Willie na ipinapa-accredit nila sa Commission on Elections ang itinatag niyang organisasyon na I Will Serve para makasali sa party-list elections. Ngunit nilinaw ni Willie na susuportahan lang niya ang grupo at hindi siya kakandidato. Samantala, matapos na makipagbati sa Eat Bulaga host na si Joey de Leon, nakipagkasundo na rin si Willie kamakailan sa kaibigang nakatampuhan na si John Estrada. - FRJ, GMA News