ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Concert ng Air Supply sa Davao, dinagsa ng mga tao
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dinagsa ng mga tao ang one night only concert ng Australian soft rock duo na Air Supply sa Davao City nitong Martes ng gabi. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules, kinanta ng grupo ang kanilang hits songs tulad ng "I Can't Wait Forever" at "All Out of Love" sa nasabing concert. Kilala rin ang nasabing banda sa kanilang awitin tulad ng "Making Love Out Of Nothing At All," "Every Woman in the World," at "Lost in Love." Ang Air Supply ay pinamumunuhan nina Graham Russell at Russell Hitchhock. Ito ang pangalawang pagkakataon na nagtungo sa Davao City ang dayuhang grupo. -- MMacapendeg/FRJ, GMA News
Tags: davao
More Videos
Most Popular