ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Patay na sanggol, nakita na naman sa Calajunan dumpsite sa Iloilo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang patay na sanggol ang nakita sa magkahiwalay na lugar sa Iloilo City. Isa rito, nakita na naman sa Calajunan dumpsite kung saan isang fetus din ang nakita noon lang nakaraang linggo. Sa ulat ni GMA-Iloilo Jennifer Muneza sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules, sinabi nito na tatlong fetus na ang nakita sa Calajunan dumpsite sa loob lamang ng isang buwan. Ang pinakabagong patay na sanggol na nakita ay tinatayang umabot ng walong buwan sa sinapupunan ng kanyang ina.