We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi itinanggi ng cast members ng top-rating romantic-comedy-drama series na Coffee Prince ang kanilang lungkot sa pagtatapos ng kanilang programa ngayong Biyernes ng gabi. Eight weeks lang kasi talaga ang run nito at hindi puwedeng i-extend ang kuwento alinsunod sa napagkasunduan sa paggawa ng Pinoy version ng naturang patok na Koreanovela. Sa pagbisita ng GMANetwork.com sa kanilang set sa Batangas, ibinahagi nina Kris Bernal, Aljur Abrenica, Benjamin Alves, Max Collins, at Steven Silva ang kanilang nararamdaman tungkol sa last episode ng serye. “Sayang, kasi dito sa Coffee Prince naramdaman ko talaga yung character ko and gusto ko yung ginagawa ko, and natutunan ko rin kung paano gawin ang isang comedy," ayon kay Kris. “Pero naiintindihan ko naman ang dahilan din, na yung show namin ay kailangan talaga ganito lang kaikli. Pero mami-miss ko lahat kasi lahat kami dito magkakasundo… kami nina Benj, Max. Tapos ito pa yung balik-tambalan namin ni Aljur, kumbaga ngayon lang ulit kami nagsama ng halos araw-araw. Mami-miss ko sila," dagdag ng young actress. Tanggap na rin naman ni Aljur na hindi talaga ma-e-extend ang kanilang programa. "Before kami mag-start, we were told na hanggang eight weeks lang talaga ang Coffee Prince. Siyempre hindi rin namin maiwasan bilang isang artista na mag-expect na ma-extend dahil tutal maganda naman yung ratings ng show. Nalungkot ako kasi hanggang eight weeks lang talaga siya," pagtatapat ng Kapuso hunk. Dagdag pa niya, "Nalungkot din ako kasi para sa akin ito yung show na pinakamasarap yung samahan. Halos lahat kasi kasing age ko, yung mga seniors natin halos lahat sila nakasama ko na, yung iba naman is pinapangarap ko lang na makasama noon, which nakasama ko na ngayon. Sobrang happy talaga ako sa set ng Coffee Prince, at sobrang at ease ako. Parang isang buong pamilya kami." Thankful naman si Benjamin na napasama siya sa Coffee Prince lalo na't ito ang first teleserye niya. "First, it's sad. Nakakalungkot kasi at this time everyone's getting to know each other, parang we have a tight bond now; we're a family," bungad niya. “At the same time, it's also exciting because Max is already having a new show. It's an exciting time for all of us because as far as we're concerned. I think we've given the show justice and successful naman [siya] in our eyes. Nakakalungkot pero excited din kasi on what comes after. Sobra [akong] appreciative of this opportunity," ayon kay Benjamin. Pamilya rin ang turing ni Max sa mga katrabaho sa Coffee Prince, na papalitan ng Pahiram ng Sandali kung saan nabigyan siya ng chance na maging leading lady ni Dingdong Dantes. "Nakakalungkot kasi parang naging family ko na rin silang lahat—mula sa staff, sa mga artista, sa director—naging pamilya ko silang lahat. At nakakalungkot na matatapos na, ambilis ng show," pahayag ng magandang aktres. Masaya naman si Steven na they were able to deliver something different to the Fiipino TV audience. "It's kind of sad, but I'm very happy kasi fan din ako ng original show. Ang maganda kasi sa Coffee Prince, hindi siya puro drama, puro iyakan. May mga drama scenes pero mayroon ding comedy. May mga mellow scenes, hindi naman puro heavy drama," paliwanag niya. Abangan ang huling gabi ng Coffee Prince ngayong Biyernes ng gabi, November 23, pagkatapos ng Aso ni San Roque sa GMA Telebabad. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com