ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

3 na namang bata, nasawi sa sunog sa Quezon City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tatlong bata na naman ang nasawi sa sunog na tumupok sa may 50 kabahayan sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City nitong Biyernes ng hatinggabi. Kamakailan lang, tatlong bata rin ang namatay sa magkahiwalay na sunog sa Las Piñas at Maynila. Sa ulat ng dzBB radio nitong Sabado ng umaga, sinabing edad pito at apat ang nasawing mga anak ni Danilo Mercado sa sunog na naganap sa Quezon City nitong Biyernes. Sa hiwalay na ulat ng GMA news Flash Report, sinabing barangay tanod sa lugar si Mercado at naiwan nito sa kanilang bahay ang mga anak. Nasa ospital naman ang ina ng mga bata dahil manganganak na ito. Ang isa pang siyam na taong gulang bata na unang iniulat na nawawala sa naganap na sunog ay natagpuan ding patay nitong Sabado ng umaga. Tinatayang nasa 150 pamilya ang naapektuhan ng sunog. Kamakailan lang ay dalawang magkapatid din ang nasawi sa sunog sa Maynila, at isa naman sa Las Pinas. (Basahin: 3 children die in Las Pinas and Manila fires) -- FRJ, GMA News