ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Gov. Vilma Santos-Recto, binigyan ng titulong lieutenant colonel ng PAF
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Binigyan ang tinaguriang Star for All Seasons ng bansa at kasalukyang Gobernador ng Batangas na si Vilma Santos-Recto ng bagong titulong lieutenant colonel bilang bagong commissioned reservist ng Philippine Air Force (PAF). Ginanap ang paggawad ng rangko at oath-taking ceremony sa Bulwagang Makulot ng Fernando Air Base nitong Miyerkules ng umaga. Gayundin, kasama rin ni Santos-Recto ang Bise-Gobernador ng Batangas na si Jose Antonio S. Leviste II na binigyan naman ng titulong Major sa nasabing seremoniya. Ayon sa opisyal na website ng PAF, pormal na ipinakilala ng PAF Vice Commanding General MGEN Raul Gabriel L. Dimatatac AFP ang dalawang bagong commissioned officers sa Air Force. — Mac Macapendeg/BM, GMA News
Tags: vilmasantos
More Videos
Most Popular