ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sunog sa Iloilo City, 5 katao ang nasugatan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Lima katao ang nasugatan sa sunog na naganap sa Iloilo City nitong Biyernes ng madaling-araw, ayon sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon. Tumagal umano ng halos isang oras ang sunog na tumupok sa may anim na bahay. Ayon sa mga bumbero, mabilis na kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay na gawa umano sa light materials. Patuloy pa imbestigasyon kung ano ang naging sanhi ng sunog na ang pinsala ay aabot umano sa P250,000. - FRJ, GMA News